ang mga talukap

sa bawat oras na lumilipas,

may ilang beses tayong pumipikit at dumidilat

ang talukap ng ating mga matay bumubukas at sumasara

at sa tuwi-tuwinay nangungusap sa pagdilat o pagkurap

sa bawat oras na lumilipas,

na may isang bagay ay wari mong nasaksihan

tila naiiba ang paggalaw ng mga talukap

na siyang nagdidikta ng ating nararamdaman

sa bawat oras na lumilipas,

minsan sinasabing ang nararamdaman ay kasiyahan

ngunit may pagkakataong ang ipinahihiwatig ay kalungkutan

mayroon din naman ang ipinararating ay hindi inaasahan

sa bawat oras na lumilipas,

ito rin ay isang bagay na siyang hinuhugasan kung marumihan

ngunit minsan ay mahapdi kung may puwing

sa ating pagluha ay maiibsan

sa bawat oras na lumilipas,

sa ating pagdilat ay ibat iba ang mga nasasaksihan

na nagdudulot ng pagpapasya o pagkakaiba ng ating mga talukap

ngunit sa kalaunan ito rin ay nagsasabing pahinga lamang ang katapat

sa bawat oras na lumilipas,

napakagandang pagmasdan ang munting bagay na ito

na kung minsan ay mahirap masaksihan sa bawat isang tao

ngunit sa paglipas ng oras ay may ibat iba ang galaw

sa bawat oras na lumilipas,

ang mga talukap na itoy atin ding inaalagaan

sapagkat itoy karaniwang nagpapahayag ng ating kagandahan

na siyang nagpapahiwatig ng ating napupusuan

sa bawat oras na lumilipas,

may ibat ibang uri ng galaw nito

o di kayay natural lamang ang pagluha

na siyang nagbibigay ng kaginhawaan sa saloobin ng isang katauhan

sa bawat oras na lumilipas,

sa mga talukap din ito natin naitatago ang mga karamdaman

tila mga karanasang hindi malilimutan

na siyang nagbibigay sigla sa ating mga buhay sa kasalukuyan.

Leave a Reply